Walang Tayo

Hahaha
1ne
Flow-G
Ex-B
Alam ko na kahit san tingnan
Talagang napakagulong pagmasdan
Kasi iba ang pakiramdam ko sayo
Kaso kahit iparamdam ko sayo
Di ka makaramdam
Kahit na pigilin ko
Feeling ko
Di ka na kayang burahin ka pa sa isip ko
Inalipin mo ako simula nang mahuli mo ako sa titig mo
At di ko na napigilin na at nagtuloy tuloy na (nag tuloy tuloy na)
Dumating na sa puntong madalas ako na kulitin ka
Na ayos ka lang ba?
San ka pupunta?
Gusto ko lang samahan ka
Kaso nga lang parang sobra na
Kasi sa totoo lang
Wala naman talaga akong karapatan
Oo, alam ko naman
Dahil magkaibigan lamang ang turingan
Kung alam mo lang na mas higit pa sa kaibigan ang pakiramdam ko sayo
Nalaman mo sana na kahit na wala pang tayo ay nasasaktan na ako

Sarili ko ay hindi ko na maintindihan
Alam ko namang di ko ito dapat maramdaman
Dahil di mo din naman kayang suklian ang pagmamahal ko
Magkaibigan lang ang turingan
Pero ako'y nasasaktan kahit na walang tayo
Nasasaktan ako kahit na walang tayo
Nasasaktan ako kahit na walang tayo
Walang tayo
Walang tayo

Yeah
Di ko alam at ang puso'y naakit
Iniisip man lang itanong ko ay bakit
Ako'y nagagalit pag may lumalapit
Baby at kahit sa akin man magalit
Di ko alam at ang puso'y naakit
Basta alam ko lang kahit walang tayo
Ako ay napapasaya pag hawak ko kamay mo
Basta alam ko lang kahit walang tayo
Iba't ibang pakiramdam ang nararamdaman ko
Kaya ako'y nasasaktan pag may ibang katabi at
Di ako ang kaharap mo
Pero kahit ganon pa man
Nandito lang, nag aabang
Baby kahit walang tayo

Sarili ko ay hindi ko na maintindihan
Alam ko namang di ko ito dapat maramdaman
Dahil di mo din naman kayang suklian ang pagmamahal ko
Magkaibigan lang ang turingan
Pero ako'y nasasaktan kahit na walang tayo
Nasasaktan ako kahit na walang tayo
Nasasaktan ako kahit na walang tayo
Walang tayo
Walang tayo

Gusto talaga kita kaso lang
Ako lang ang nakakaalam
Kung pwede lang kitang utusan na ibigin mo rin ako
Ginawa ko na 'yan
Kaso nakakandado na tayo
Na hanggang kaibigan lang kaya anong magagawa ko

Sarili ko ay hindi ko na maintindihan
Alam ko namang di ko ito dapat maramdaman
Dahil di mo din naman kayang suklian ang pagmamahal ko
Magkaibigan lang ang turingan
Pero ako'y nasasaktan kahit na walang tayo
Nasasaktan ako kahit na walang tayo
Nasasaktan ako kahit na walang tayo
Walang tayo
Walang tayo



Credits
Writer(s): Mark Ezekiel Maglasang
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link