M.U.

Ilang oras, ilang araw magkausap
Inumaga na't lahat, 'di pa matinag
Siguro nga gano'n na talaga
Kapag ang isang tao'y natipuhan na

At sa tuwing magkikita
Hindi malaman kung paano lalapitan
Pero bakit ka mahihiya?
Bakit parang may mali na nagawa?

Ano ba tayo?
Bakit 'di mo masagot?
Sobrang simple ng tanong

Pero medyo malabo (malabo, malabo, malabo, malabo)
Malabong usapan 'to, hm
Ngunit 'di ko matago (matago, matago, matago, matago)
Ang nadaramang ito

Ilang beses sa isang linggo tumawag
Kung iisipin ko'y parang 'di na mabilang
Kagabi'y magka-kwentuhan pa
Ngayong umaga, parang nawala ka na

Ilang oras, ilang araw ang lumipas
Bakit parang sa 'kin ay wala kang oras?
Tila dapat nang itigil 'to
'Di natin alam kung saan tayo patungo

Ano ba tayo?
Bakit 'di mo masagot?
Sobrang simple ng tanong

Pero medyo malabo (malabo, malabo, malabo, malabo)
Malabong usapan 'to, hm
Ngunit 'di ko matago (matago, matago, matago, matago)
Ang nadaramang ito, ohh

Dapat itigil
'Wag na umasa
Puso'y pigilin
Para 'di lumuha

Dapat itigil (dapat itigil)
'Wag na umasa ('wag na umasa)
Puso'y pigilin
Para 'di lumuha

Pero medyo malabo (malabo, malabo, malabo, malabo)
Malabong usapan 'to, ohh
'Di ko matago (matago, matago, matago, matago)
Ang nadaramang ito, ohh

Malabo (malabo, malabo, malabo, malabo)
Malabong usapan 'to, ohh
Hindi ko matago (matago, matago, matago, matago)
Ang nadaramang ito



Credits
Writer(s): Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link