Wala Ka Nang Magagawa

Bakit bumabalik ka pa? 'Di ba't ika'y pumili na
Maghiwalay muna at hahanapin ang sariling mag-isa
Ang daming luhang sinayang, ang daming alak tinikman
Makalimutan lang, sakit na aking nararamdaman

Isang araw ay nagbago bigla ang ikot ng mundo
Nakalimutan na lahat ng bagay na tungkol sa 'yo

Ngayon, wala ka nang magagawa, 'di na madadala sa salita
Kahit paulit-ulit na, ulit-ulit na ikaw magmakaawa
Tataya, sa 'yo hindi na ako tataya
Ika'y mananatili na, mananatili na masamang alaala

Kaya ako'y natuto na, 'di na 'ko mabibilog pa
Hindi na kailangan pa na humanap ng kaligayahan sa iba
Sa mga taong darating, ito ang 'wag n'yong gagawin
'Yung mangangako ka, sabay sa dulo'y sisirain lang pala

Akala pa sarili ko ang kailangan na magbago
Ang dapat lang pala lumisan na'ng isang katulad mo

Ngayon, wala ka nang magagawa, 'di na madadala sa salita
Kahit paulit-ulit na, ulit-ulit na ikaw magmakaawa
Tataya, sa 'yo hindi na ako tataya
Ika'y mananatili na, mananatili na masamang alaala

Wala ka na, wala ka na
Wala ka nang magagawa, magagawa
'Di na madadala sa salita, salita
Wala ka nang magagawa

Ngayon, wala ka nang magagawa, 'di na madadala sa salita
Kahit paulit-ulit na, ulit-ulit na ikaw magmakaawa
Tataya, sa 'yo hindi na ako tataya
Ika'y mananatili na, mananatili na masamang alaala



Credits
Writer(s): Euwie Von Loria
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link