Andito Ka Na

Ako'y natutulala, habang nakatingala,
sa langit, sa buwan, at bituwin.
Pinipinta ang mukha sa isipan.
Nagmumukha nang hangal.
Biglang tawa, ako ma'y nabibigla.

Natutulog lamang ang puso ko noon.
Panaginip lang bang akin ka na ngayon?
Kurutin mo nga ako sa pisngi!
Para ako'y matauhang, andito ka na.

Naglalakad pag-uwi,
lumalagpas pa rin sa bahay,
dahil sa isip ko'y pinipinta ka (pinipinta ka).
Kasama lang kita kanina,
hawak-hawak ang kamay,
ngunit bakit, ako ma'y nabibigla?

Natutulog lamang ang puso ko noon.
Panaginip lang bang akin ka na ngayon?
Kurutin mo nga ako sa pisngi!
Para ako'y matauhan.

'Di pa rin lubos maisip,
nakatuntong pa rin sa mga alapaap, ang diwa ko sa iyo.
"Di pa rin makapaniwala,
bakit ako nabibigla?

Natutulog lamang ang puso ko noon.
Panaginip lang bang akin ka na ngayon?
Kurutin mo nga ako sa pisngi!
Para ako'y matauhan...

Natutulog lamang ang puso ko noon.
Panaginip lang bang akin ka na ngayon?
Kurutin mo nga ako sa pisngi!
Para ako'y matauhang, andito ka na.

Andito ka na. (andito ka na... andito ka na)
Andito ka na.



Credits
Writer(s): James Lustestica Lastra
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link