Puting Diwata

Hahanapin kita
Sa kagubatan
Senyales ng liwanag
Himig ng kalikasan
Madali lang maniwala
Sa mga tamang hinala ng nakaraan

Nakakalipad ka ba
Sa kalangitan?
Asul ba ang 'yong mga mata?
Tinig ng iyong pagkanta
Madali lang maniwala
Sa mga nag-aakalang hindi naman

Nakaw na sandali, iduduyan ka n'ya
Nakaw na ngiti, mapaliligaya ka

Hiling mo sa puting diwata ay iba
Ang makasama s'yang muli ay hindi na pwede pa

Oh-oh-oh-oh-oh
Oh-oh-oh-oh

Hindi na pwede pa, hindi na pwede pang muli
Ang makasama s'ya
Hindi na pwede pa, hindi na pwede pang muli
Ang makasama s'ya
Hindi na pwede pa, hindi na pwede pang muli
Ang makasama s'ya; umuwi ka na



Credits
Writer(s): Fernando Cunanan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link