Natatangi

'Wag ka muna ngumiti
Dahil 'di pa maililihim
Aking pasimpleng pagngisi
Ngayong ikaw ay katabi

Maaari ba na umupo ka?
Oh, napapagod na ako
Itigil 'yong katatakbo sa isipang 'to

Kung iyong malalaman
Na ako'y may pagtingin
Nais kong mabatid kung
Magbabago ba'ng pagturing?

Kasi naman, oh, diyosa
Ang hirap 'di mahalina sa 'yong ganda, ha
Daig mo'ng milyon na Paraluman
At kahit magsama-sama pa, taob pa rin lahat sila

'Wag ka munang lumukso
Sa tunay na mundo
Patuloy lang na magsalo
Sa paulit-ulit nating kwento

P'wede ba na lumapag na?
Oh, nangangalay na ako
Sa lihim na pagtingala sa iyo

Oh, kung iyong malalaman
Na ako'y may pagtingin
Nais kong mabatid kung
Magbabago ba'ng pagturing?

Kasi naman, oh, diyosa
Ang hirap 'di mahalina sa 'yong ganda, ha
Daig mo'ng milyon na Paraluman
At kahit magsama-sama pa, taob pa rin lahat sila

Handa kaming 'sugal lahat
Sa pag-amin na mahal kita
O mas dapat na pangambahan
Apuradong orasan?

Diyosa
Ang hirap pala 'pag nahalina sa 'yong ganda, ha-ha
Daig mo'ng milyon na Paraluman
'Wag sanang mapapagal
Kung medyo napatatagal



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link