O Ang Pag-ibig Ay Parang Mangga

O ang pag-ibig ay parang mangga
Minsan maasim kapag hilaw pa
At pag nahinog, walang kasing tamis
Ang pag-ibig mo

Nung una pa lang kitang nasilayan
Alam kong tayo ay nakalaan
Hindi hahadlang ang ating kabataan
Upang tayo'y magmahalan

Kahit wala tayong masyadong pera
Paghawak ng ating kamay, tayo'y sumasaya
Kahit kung minsan, nagkakatampuhan
Ay napapawi, isang halik mo lang

O ang pag-ibig ay parang mangga
Kahit maasim, masarap ang lasa
At pag nahinog, walang kasing tamis
Ang pag-ibig mo

Giliw, o giliw nangyari na nga
Ang ating pag-ibig, nagkabunga
Kahit hindi napaghandaan
Sa simbahan, tayo'y nagsumpaan

O ang pag-ibig ay parang mangga
Minsan maasim kapag hilaw pa
At pag nahinog, walang kasing tamis
Ang pag-ibig mo

Ngunit hindi lahat ng bagay ay nagtatagal
Pagsapit ng unos, may nalalanta
May nawawala, may lumuluha
O giliw iba na ba ang pugad mo
Kung saan ang dahon mas malago?

At isang araw ikaw ay lumisan
Tuluyan mo na akong iniwan
Wala ng tamis, wala ng asim
Tanging pait ang nakatanim

O ang pag-ibig ay ampalaya
Minsan mapait at mapakla
Kahit nahinog ay mapait pa rin
Ang paglisan mo

O ang pag-ibig ay parang mangga
Minsan maasim kapag hilaw pa
At pag nahinog, walang kasing tamis
Ang pag-ibig mo



Credits
Writer(s): Kris Cabungan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link