Kailan Muli

Kailan muling mararamdaman
Ang yakap mong mahigpit
Ang tamis ng 'yong halik

Pagmulat ng umaga, nagungulila
Sa tinig ng 'yong tawa
Ang kausap lamang ay 'yong larawan
Kung minsan ay sumasagot naman

Di man madali ang buhay dito
Ay mas mahirap mapalayo sa'yo

Kailan muling mararamdaman
Ang yakap mong mahigpit
Ang tamis ng 'yong halik

Pagsapit ng tanghali, nagsisisi
Saan ba ako nagkamali?
Ang sinag ng araw, nakakasilaw
Ni anino mo'y hindi ko matanaw

Di man madali ang buhay dito
Ay mas mahirap mapalayo sa'yo

Kailan muling mararamdaman
Ang yakap mong mahigpit
Ang tamis ng 'yong halik

Pagtulog sa gabi, hindi mapakali
Sana ikaw ay aking katabi
Pagmulat ng umaga, nagungulila
Paulit-ulit na

Kailan muling mararamdaman
Ang yakap mong mahigpit
Ang tamis ng 'yong halik

Kailan muling mararamdaman
Kailan muling mararamdaman
Kailan muling mararamdaman



Credits
Writer(s): Kris Cabungan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link