Laban Lang!

Minsan tayo'y inaanod sa agos ng buhay
Minsan tayo'y nababalot sa mundo ng kawalan
Sa bawat ikot ng oras ay ating ipapamalas
Pag-ibig natin sa ating kapwa dahil tayo'y pantay-pantay

Tayo'y sumulong at wag mawawalan ng pag-asa
Sa pag harap sa kalabang 'di nakikita
Ngunit anuman ang pagsubog
Tayo'y 'di dapat sumuko kailanman
Karamay natin ang 'sat-isa haharapin ang bagong umaga

(Laban lang! Laban lang!)
Baunin mo ang aming panalangin
(Kapit lang! Kapit lang!)
Pasasalamat nami'y dinggin
(Laban lang! Laban lang!)
Tagumpay nati'y makakamit din

Mula sa pagkalugmok tayo ay babangon
Sabay tayong titindig lahat ay aahon ngayon
Karamay natin ang kapwa
Ihahanda ang sarili sa bukas
Ibibigay ang lahat upang tayo'y muling makapagsimula

(Laban lang! Laban lang!)
Baunin mo ang aming panalangin
(Kapit lang! Kapit lang!)
Pasasalamat nami'y dinggin
(Laban lang! Laban lang!)
Tagumpay nati'y makakamit din

Pinapangarap na landas ay atin ding mararating
Sa bawat kilos at kumpas at daloy na tangay ng hangin
Walang balakid o hadlang na makakapigil sa atin
Basta't tayo'y nagkakaisa
'Di mapakita ang mukha ngunit ngiti ay nababasa
Di makapaghawak kamay ngunit ramdam ang pag-alalay
Di mayakap ang kapwa ngunit damang-dama ang pagmamahal

Laban lang! Laban lang!
Kapit lang! Kapit lang!
Laban lang! Laban lang!
Kapit lang! Kapit lang!
Laban lang! Laban lang! (Kapit lang!)

(Laban lang! Laban lang!)
Baunin mo ang aming panalangin
(Kapit lang! Kapit lang!)
Pasasalamat nami'y dinggin
(Laban lang! Laban lang!)
Tagumpay nati'y makakamit din

(Laban lang! Laban lang!)
Baunin mo ang aming panalangin
(Kapit lang! Kapit lang!)
Pasasalamat nami'y dinggin
(Laban lang! Laban lang!)
Tagumpay nati'y makakamit din



Credits
Writer(s): Raymond S Driz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link