'Di Man Ngayon

Oh, kay sarap magmahal ng tulad mo
Oh, kay ganda ng araw 'pag ikaw kasama ko
Dahil mahal kita't alam kong mahal mo rin ako
Pero ba't ang labo? 'Di pwedeng maging tayo, oh

Pero 'di man ngayon ang tamang oras
Hayaan natin ang panahon ang magdikta
Kung kailan ating pagkakataon na umibig
'Di titigil na umasa sa pag-ibig, kahit hindi man ngayon, hm-hm
Hindi man ngayon, hm-hm

Oh, kay hirap naman, ang daming humahadlang
Tila bawat hakbang pagsubok ang daratnan
Iisipin ko nalang na ito na ang aking tyansang
Maging tamang tao na babagay sa 'yo

'Di man ngayon ang tamang oras
Hayaan natin ang panahon ang magdikta
Kung kailan ating pagkakataon na umibig
'Di titigil na umasa sa pag-ibig, kahit hindi man ngayon, hm-hm
Hindi man ngayon, hm-hm

Ang pagkakataon na umibig
'Di titigil na umasa sa pag-ibig
Kahit hindi man ngayon ang tinakda ng tadhana
Sa luha at sa ligaya, maghihintay pa rin ako, oh-woah, woah-oh

'Di man ngayon ang tamang oras
Hayaan natin ang panahon ang magdikta
Kung kailan ating pagkakataon na umibig
'Di titigil na umasa sa pag-ibig, kahit hindi man ngayon, hm-hm
Hindi man ngayon, hm-hm
Hindi man ngayon, hm-hm



Credits
Writer(s): Michael Gabriel Tagadtad
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link