Kumapit

Sa gitna ka ng kadiliman
Tila 'di na matatapos
Ang anino ng kamalasan

Pinipilit mong sumagwan
Sinasalubong ang kawalan
'Di mahanap ang kasagutan

At kumakatok sa langit ng dasal
Sana malapit nang matapos ang ulan

Kumapit ka
'Di ka nag-iisa
'Di mo man nakikita
Nandiyan S'ya sa 'yo, sa iyong tabi

Kumapit ka
'Di ka nag-iisa
'Di mo man nakikita
Nandiyan S'ya sa 'yo, sa iyong tabi

Kumapit
Ika'y kumapit
Whoa, oh

Sa gitna ka ng kadiliman
Mga mata mo ay mabubuksan
Magkakaro'n ng kalakasan

At hindi mo na kailangang kumatok
'Pagkat nadarama N'ya din ang 'yong poot

Kumapit ka
'Di ka nag-iisa
'Di mo man nakikita
Nandiyan S'ya sa 'yo, sa iyong tabi

Kumapit ka
'Di ka nag-iisa
'Di mo man nakikita
Nandiyan S'ya sa 'yo, sa iyong tabi

Kumapit (ika'y kumapit)
Ika'y kumapit
Whoa, whoa

Isigaw ang 'yong lungkot
Isigaw ang 'yong poot
Isigaw ang 'yong lungkot
Isigaw, isigaw (kumapit)

Isigaw ang 'yong lungkot (ika'y kumapit)
Isigaw ang 'yong poot (kumapit)
Isigaw ang 'yong lungkot (ika'y kumapit)
Isigaw, isigaw

'Di S'ya yanig sa 'yong galit
'Di S'ya yanig sa 'yong galit
'Di S'ya yanig sa 'yong galit
'Di S'ya yanig, 'di S'ya yanig
Oh, whoa, whoa-whoa

Kumapit ka
'Di ka nag-iisa
'Di mo man nakikita
Nandiyan S'ya sa 'yo, sa iyong tabi

Kumapit ka
'Di ka nag-iisa
'Di mo man nakikita
Nandiyan S'ya sa 'yo, sa iyong tabi

Kumapit (oh, ooh)
Ika'y kumapit (ooh, whoa)
Ika'y kumapit, ika'y kumapit
Ika'y kumapit (kumapit, whoa, oh)

Kumapit



Credits
Writer(s): Yeng Constantino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link