P U K a W

Naglalakad ng mabagal napapaisip
Kung kelan ko ulet makikita ang aking iniibig
Siya ay isang babaeng marikit
Sa unang kita pwede ba sa akin dumikit
Yan ang sinasabi ng aking utak
Habang imahinasyon ay aking tinatahak
Lumilipad, na 'kala mo ay isang uwak
Ngunit nagulat dahil ako ay bumagsak
Oo, nahulog ako sa iyong mga ngiti
Kaya kapag kasama ka 'di na'ko makahindi
'Di mapigilan tuwa 'kala mo nakasindi
Alam mong ayos lang, basta ikaw ang katabi

Sa kislap ng 'yong mga mata ako ay napupukaw
Hindi ko na alam kung bakit parang natutunaw
'Di ko na alam kung bakit ba, ikaw lang naman ang tangi kong hiling
Sa panginoon na sana ay tayong dalawa

Sana ay tayo'ng dalawa, walang iisipin na
Hahadlang pa na iba, lalo pag kasama ka
Sa kama o wala
Kasi kapag wala ako'y nagwawala bigla
Sa sinasabi ng iba wala ako'ng paki
Basta kasama ay ikaw araw o gabi
Kasi alam mo naman na ang lakas na ng amat
Handang gawin mali dahil lakas na nga ng tama
Pag-ibig ko sa'yo wala ng makakaawat
Ikaw lang naman gusto ko tawagin na asawa
Ulitin pa ba
Pag-ibig ko sa'yo wala ng makakaawat
Ikaw lang naman gusto kong tawagin na asawa

Sa kislap ng 'yong mga mata ako ay napupukaw
Hindi ko na alam kung bakit parang natutunaw
'Di ko na alam kung bakit ba, ikaw lang naman ang tangi kong hiling
Sa panginoon na sana ay tayong dalawa

Labis ako'ng natutuwa nung nalaman ko
Ako rin pala ang tumatakbo sa isip mo
Hindi ko na alam kung bakit ba ganito
Nababaliw ako sa kakaisip ko sa'yo
Huwag kanang mangamba andito lang naman ako sa tabi mo
Hindi ko na alam 'pag umalis kapa dito sa tabi ko

Sa kislap ng 'yong mga mata ako ay napupukaw
Hindi ko na alam kung bakit parang natutunaw
'Di ko na alam kung bakit ba, ikaw lang naman ang tangi kong hiling
Sa panginoon na sana ay tayong dalawa
Sa kislap ng 'yong mga mata ako ay napupukaw
Hindi ko na alam kung bakit parang natutunaw
'Di ko na alam kung bakit ba, ikaw lang naman ang tangi kong hiling
Sa panginoon na sana ay tayong dalawa



Credits
Writer(s): Mark Daren Herrero
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link