Akin Ka

Sumipol ang hangin
Ako ay iyong nilalambing
Paikot-ikot lamang ang aking damdamin
Nanlalamya ang isip ko
Habang binabaon mo ako sa piling mo
O giliw ko

Kinikilig ako sa tinig mo
Kinikiliti ang puso ko
Saan nga ba ito patungo
Kung hindi tayo magiging isa
Di ako payag sa dalawa
Ang gusto ko ay ako lang
Ang gusto ko ay ako lang

O akin ka, O akin ka
Di ba yan ang sinabi mo sakin
Akin ka
O akin ka, O akin ka
Di ba yan ang sinabi mo sakin
Kahit na dalawa

Hinawakan ko ang iyong kamay
Wala namang nakakakitang ako ay
Iyong kaakbay
Hanggang saan, hanggang kailan
Hindi ko alam
Kung hindi tayo magiging isa
Di ako payag sa dalawa

O akin ka, O akin ka
Di ba yan ang sinabi mo sakin
Akin ka
O akin ka, O akin ka
Di ba yan ang sinabi mo sakin
Kahit na dalawa



Credits
Writer(s): Maria Espie Vidal
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link