Halika Na

Bumibilis ang tibok ng puso ko
Sa t'wing ikaw ay nariyan na
Hindi alam ba't ganto ang
Nararamdaman ko pag nasulyapan na
Ang iyong ngiting kay tamis
Tiyak ako rin ay mapapangiti
Nasasabik sa yakap mo
Kay tagal na nating ganito pero nasisibik pa rin
Sa'yong lambing kahit saglit lang ay
Parang langit sa piling mo'y di ipagpapalit
Kanino man, ako'y sa iyo lamang

Kaya't Halika na't tayo'y sumayaw
Halika na't huwag kang bibitaw
Halika na't sulitin natin ang
Gabing tayo'y magkasama
Sama tayo dito, huwag kang
Mag-alala akong bahala sa iyo
Sa munting lugar kung saan tayo lang dalawa
Mahal hawakan mo aking kamay
Aking kamay, aking kamay

O kay katagal na natin, kahit na sa umpisa parang
Di mo akalain na tayong dalawa
Ang para sa isa't isa, sa
Panaginip lang ako dati ay humihiling na
Ako ay mapagbigyan di ko
Makalimutan nung Oktubre katapusan
Doon sa may sasakyan, habang aking hawak ang
Iyong kamay at nagtapat ng aking nararamdaman
Akala ko di mo tatanggapin
Ang aking pag-ibig na handang abutin ang bituin
Na kahit gaano kadilim ang langit aking hahanapin
Para lang mapasaya ikaw na aking mithiin
Sa tinagal tagal na ako'y mag-isa
Ngayon lang nakaranas ng tunay na saya't ligaya
Sa piling mo mahal wala nang hahanapin
O para sa'yo lang lahat ng aking aawitin

Kung kaya't Halika na't tayo'y sumayaw
Halika na't huwag kang bibitaw
Halika na't sulitin natin ang
Gabing tayo'y magkasama
Sama tayo dito, huwag kang mag-alala
Akong bahala sa iyo
Sa munting lugar kung saan tayo lang dalawa
Mahal hawakan mo aking kamay
Aking kamay, aking kamay
Aking kamay, aking kamay, aking kamay



Credits
Writer(s): Lorenzo Leoveras
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link