Kung Sino

Minsan nang umibig, nasaktan at umawit
Katulad ng ganito
Kaya't sa bawat hikbi at kulwit sa gitara'y
Sadiyang napapaluha

Hindi ba't laging ganito ang ikot ng mundo?
Walang kasiguruhan

Kaya kung sinong para sa'kin
Ibigay Mo sa akin
Kaya kung sinong para sa'kin
Sa Iyo manggagaling

Huwag padalos-dalos sabi ko sa'king puso
Kandado sarado na 'to
Nasa'Yo na ang susi, mag-iingat palagi
Nang 'di na masaktan muli

Hindi ba't laging ganito?
Iwasan kaagad ang pagtalon
'Di sigurado pag nahulog

Kaya kung sinong para sa'kin
Ibigay Mo sa akin
Kaya kung sinong para sa'kin
Sa Iyo manggagaling

Natatakot, nalulungkot
Naghahanap aking puso

Kaya kung sinong para sa'kin
Panalangin ko'y Iyong diringgin

Maghihintay sa'Yong gabay
Nang hindi sumablay
Huwag nang paka-isipin
Mga pagtingin

'Di na ako tatalon
'Di na ako susugal
Hanggang sabihin Mo

Kaya kung sinong para sa'kin
Ibigay Mo sa akin
Kaya kung sinong para sa'kin
Sa Iyo manggagaling

Natatakot, nalulungkot
Nalilito aking puso

Kaya kung sinong para sa'kin
Panalangin ko'y Iyong diringgin

Kaya kung sino



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link