Panata

Di ko inakalang darating itong pagkakataong
Bibigkasin itong panata sayo
Hindi man ako perkpekto
Ako sayo ay sigurado
Di man mabigay sayong mga bitwin
Puso ko'y sasambitin

Sa gitna ng di tiyak na kinabukasan
Pangako ko sayo'y di natin uurungan
Mga pagsubok o maaaring katanungang
Sabay nating haharapin

Laging hihilutin
Sa tuwing nahihilo
Aalalayan ka, kahit saan magtungo
Di sasalubungin, sa gitna ng init ng iyong ulo
Di man mabigay sayo ang buwan
Lagi mong tatandaan

Sa gitna ng di tiyak na kinabukasan
Pangako ko sayo'y di natin uurungan
Mga pagsubok o maaaring katanungang
Sabay nating haharapin

Sa gitna ng di pagkakaunawaan
Pangako ko sayo'y hndi manghihinayang
Sa aking pangakong habang buhay sasamahan
Sabay nating haharapin
Ikaw ay laging mamahalin
Sa bawat araw pipiliin
Magpakailanman



Credits
Writer(s): Tj Milan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link