Kalawakan

Mga mata ay nasa langit
Handang ilipad aking sarili
Naririnig ang bulong ng hangin
Hipan ang bigat sa 'king dibdib

Bitawan ang lahat, palayain mo na'ng pagdurusa
Bawiin ang duda, ipaanod na ang lungkot sa luha
Mundo ay iwanan, kalimutan ang takbo ng oras
Damdamin ay isigaw dahil handa ka na

Ngayong gabi, ikaw ay liliwanag, makikinang sa likod ng buwan
Ulap ay iilag, 'di ka na maliligaw
Mga bituin ay isasayaw, galit sa puso ay pumanaw
Ang kalawaka'y ikaw ang hinihintay

Sarili ay (sarili ay) 'wag nang itali ('wag nang itali)
Sa ano mang sa 'yo'y bumabalakid (bumabalakid)
Sundin ang pulso ng iyong damdamin
Oras ay 'di ka hihintayin

Pag-asa, tiwala, dinig ng mga tala
Bawiin na ang mga duda dahil handa ka na

Ngayong gabi, ikaw ay liliwanag, makikinang sa likod ng buwan
Ulap ay iilag, 'di ka na maliligaw
Mga bituin ay isasayaw, galit sa puso ay pumanaw
Ang kalawaka'y ikaw ang hinihintay

Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh
Ang kalawaka'y ikaw ang hinihintay
(Ang kalawaka'y ikaw ang hinihintay)

Ngayon ang oras na magparaya
Ng iyong nadarama
Bigyan ng kulay ang pusong nauuhaw
Ikaw ang hinihintay, dahil ang tatanaw

Ngayong gabi, ikaw ay liliwanag, makikinang sa likod ng buwan
Ulap ay iilag, 'di ka na maliligaw
Mga bituin ay isasayaw, galit sa puso ay pumanaw
Ang kalawaka'y ikaw ang hinihintay

Ooh-ooh-ooh-ooh (oh), ooh-ooh-ooh-ooh (oh-oh-oh)
Ang kalawaka'y ikaw ang hinihintay
Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh
Ang kalawaka'y ikaw ang hinihintay
(Ang kalawaka'y ikaw ang hinihintay)



Credits
Writer(s): Paul Ramirez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link