Kung 'Di Ka Galit

Sino ba'ng niloloko mo, ikaw o ako?
'Pag sinasabi mong walang problema rito
At kung pagpipilitan mo na ayos tayo
Ayos lang din ba kung tatanungin na rin kita

Kung bakit 'di ka na namamansin?
At bakit 'di ka na tumitingin?
At bakit parang may mali pa rin
Kung 'di ka galit?

Oh, at parang 'di ka na ngumingiti
At parang lagi na 'kong may mali
Eh, kung wala namang problema
At hindi ka nga galit, eh, bakit?

Ano man ang aking nagawa, mababaw man o malala
Maniwala kang hindi sinasadya
At kung patatawarin mo ang kasalanan ko
Sana totoo, hindi 'yung tipong ganito

Eh, bakit 'di ka na namamansin?
At bakit 'di ka na tumitingin?
At bakit parang may mali pa rin
Kung 'di ka galit?

Oh, at parang 'di ka na ngumingiti
At parang lagi na 'kong may mali
Eh, kung wala namang problema
At hindi ka nga galit

Eh, bakit parang mas mabuti pang magalit ka na lang?
Kasi may pakialam ka pa sa akin
'Pagkat ayoko pang isipin na wala nang halaga
At wala na talaga ang bukas natin

Kaya, 'di ka galit, ooh-ooh-ooh-ooh
Kung 'di ka galit, kung 'di ka galit

Bakit 'di ka na namamansin?
At bakit 'di ka na tumitingin?
At bakit parang mayro'n ka pa rin
Kung 'di ka galit?

Oh, at bakit 'di sumasagot sa text?
At bakit tawag mo na sa 'kin, "ex"?
At bakit 'di na tayo nagse-celebrate ng happiness?
Eh, bakit?

Kung 'di ka galit, eh, bakit?
Kung 'di ka nga galit, eh, bakit?
Kung 'di ka nga galit (eh, bakit?)
Eh, bakit? Eh, bakit?



Credits
Writer(s): Jeriko Buenafe
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link