Himig Ng Pangako

Ikaw ay ang awit sa aking puso
Na magpakailanma'y para sa'yo
At tayong dalawa'y magkahawak-kamay
At iisa ang nararamdaman
Sa bawat saya't pagkabigo
Ay kasama mo ako sa daloy ng pagbabago
Puso'y handang masaktan
Maging ang langit man ang hadlang
Dahil...

Isinulat ko na dito sa puso kong
Ikaw lamang ang nais makasama
Sa ligaya at luha sa tag-ulan at araw
Ako'y nandito lang at hindi ka iiwan
Ito'y pangako ko
Sa'yo aking mahal

At kung tayo man ay magkakalayo
Asahan mong maghihintay ako
Sa puso'y ikaw lamang
At yan ang lagi mong tandaan
Dahil...

Isinulat ko na dito sa puso kong
Ikaw lamang ang nais makasama
Sa ligaya at luha, sa tag-ulan at araw
Ako'y nandito lang at hindi ka iiwan
Ito'y pangako ko

Isinulat ko na dito sa puso kong
Ikaw lamang ang nais makasama
Sa ligaya at luha sa tag-ulan at araw
Ako'y nandito lang at hindi ka iiwan
Ito'y pangako ko sa'yo aking mahal
Ito'y pangako ko sa'yo aking mahal



Credits
Writer(s): Pillow Stories
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link