Kahit Na Mali

Sa bawat saglit na tayo'y magkasama
Tanging hiling oras ay wag nang lumipas pa
Sa bawat ngiti at sulyap sa isa't isa
Malaman mo sana ang tunay kong nadarama

Ngunit anong magagawa
Kung sa puso mo'y mayroon ng nauna

Kahit na mali ay aking pipilitin
Sa bawat sandali'y di sasayangin
Kahit na ito ay isang lihim na pagtingin
Nagbabakasakali lang na sa huli ako'y iyong piliin

Kung ating subukan may pag-asa pa kaya
Ang puso kong nangungulila at sayo lang itinadhana
Ikaw ang nasa isip ko noon pa man
Hindi magbabago magpakailanman

Ngunit anong magagawa
Kung sa puso mo'y mayroon nang nauna

Kahit na mali ay aking pipilitin
Sa bawat sandali'y di sasayangin
Kahit na ito ay isang lihim na pagtingin
Nagbabakasakali lang na sa huli ako'y iyong piliin

Lagi mong tatandaan na ikaw lamang
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw lamang
Ikaw lamang
Tanging ikaw

Kahit na mali ay aking pipilitin
Sa bawat sandali'y di sasayangin
Kahit na ito ay isang lihim na pagtingin
Nagbabakasakali lang na sa huli

Kahit na mali ay aking pipilitin
Sa bawat sandali'y di sasayangin
Kahit na ito ay isang lihim na pagtingin
Nagbabakasakali lang na sa huli ako'y iyong piliin



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link