Salamat, Kahapon

Minsan naiisip ko
Paano kung hindi ka dumating, dumating
Kung sa pagkadapa ko sa dilim noon ay 'di mo napansin, napansin

Kung 'di mo inabot
Ang iyong nga kamay
At hinayaan mong humandusay

Buti at niyakap mo
Sa pagtindig iyong inakay

Minsan kong tinatanong
Kung mas panatag ba itong mundo, itong mundo
Ay may mamamayani bang kapahingahan
Diyan sa piling mo, sa piling mo

Kung bawat tanong
May sagot na ibinibigay
At 'di malabo ang mga bagay

Ngunit kung may linaw ang lahat
Anong silbi ng buhay?

Ra-ra-ra-ra-ra-ra-ra
Ra-ra-ra-ra-ra-ra-ra
Ra-ra-ra-ra-ra-ra-ra
Ra-ra-ra-ra-ra-ra-ra

'Di ko alam
Anong gagawin kung wala ka noon
Buti na lang, ikaw ay dumating
Sa tamang panahon

Minsan nalilimot kong sabihin na salamat sa iyo, sa iyo
Sa dulot mong mabuti nung lahat sa buhay ko ay magulo, ay magulo, whoa

Mga araw at gabing kasama kita
Walang 'di kayang problema

Paano ang kahapon ko
Kung sa aking tabi'y wala ka
Kung wala ka
Salamat sa kahapon na sa 'king tabi ay naroon ka



Credits
Writer(s): Natt Dublin
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link