Sinasamba Kita

Sinasamba kita
Higit sa 'yong akalang iniibig lang kita
Paggalang ko sa 'yo'y higit sa buhay kong taglay
Wala na yatang papantay, ang buhay ma'y ibibigay ko pa
Sinasamba kita

Kung anumang dahila'y hindi mahalaga
Basta't sinasamba kita
Bilang pagmamahal ang s'yang nadarama
Pa'no ka maipipinta? Kulang ang kulay nila
Para mailarawan ka, sinta, ha

Sinasamba kita
Kung kasalanan man sa Diyos ang sambahin kita
Marahil ay mauunawaan N'ya ang tulad ko
Na labis nagmahal sa 'yo, masisisi N'ya ba ako, sinta?
Sinasamba kita

Kung anumang dahila'y hindi mahalaga
Basta't sinasamba kita
Bilang pagmamahal ang s'yang nadarama
Basta't sinasamba kita

Kung anumang dahila'y hindi mahalaga
Basta't sinasamba kita

La, la, la, la, la, la, oh, oh, oh
Basta't sinasamba kita
La, la, la, la, la, la, oh, oh, oh



Credits
Writer(s): George Canseco, Valera Rey
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link