Sa Panaginip

Ooh, hah

Magkahawak sa dalampasigan
Dapit-hapon ay tinititigan
Ganyan ang pinipintang larawan
Ng aking isipan t'wing hihimlay

Dagat ng hiraya'y sisisirin
Nanaisin, kung papipiliin
'Di na ko mamulat sa bangungot
Lalo pang nalunod, dahil dito'y

Dito, oh, dito, oh, dito
Ooh, dito sa mundong kahalili
Ako ang iyong pinili

Sa panaginip ay ikaw lang ang kapiling
Ayaw ko na ngang magising, ayaw kong mahinto
'Pagkat sa panaginip ay ang tanging sinisinta'y ako lang
Ngunit paggising ay 'di magtatagpo

Oh, t'wing gabi nakabalot ng kumot
Iniisip ika'y nakapulupot
Ganyan ang pinipintang larawan
Ng aking isipan t'wing hihimlay

'Di ba nga raw libre ang mangarap?
'Di ba't ngayon iba ang iyong kayakap?
Sana nga'y 'di na mamulat sa bangungot
Lalo pang malunod, dahil dito'y

Dito, oh, dito, oh, dito
Ooh, dito sa mundong kahahlili
Ako ang iyong pinili

Dito, oh, dito, oh, dito
Dito man lang aasa
Dito man lang nariyan ka

Sa panaginip ay ikaw lang ang kapiling
Ayaw ko na ngang magising, ayaw kong mahinto
'Pagkat sa panaginip ay ang tanging sinisinta'y ako lang
Ngunit paggising ay 'di magtatagpo, oh-ooh-whoa

'Di tulad ng dati, paggising ko laging ikaw ang katabi (oh)
Oh, bakit ngayon panaginip na lang?
'Di tulad ng dati, laging sinasabing ako ang nag-iisa (ah)
Oh, bakit ngayon panaginip na lang? (Na lang)
'Di tulad ng dati, nu'ng ikaw ang may-ari ng puso ko
Bakit ngayon panaginip na lang?

Sa panaginip ay ikaw lang ang kapiling
Ayaw ko na ngang magising (ooh), ayaw kong mahinto, ooh
'Pagkat ('pagkat) sa panaginip ay ang tanging sinisinta'y ako lang
Ngunit paggising ay 'di magtatagpo (sa panaginip)
Sa panaginip ay ang tanging sinisinta'y ako lang
Ngunit paggising ay 'di magtatagpo (ay 'di magtatago)

Sa panaginip ay ikaw lang ang kapiling
Ayaw ko na ngang magising, ayaw kong mahinto (ooh)
Sa panaginip ay ang tanging sinisinta'y ako lang
Ngunit paggising ay 'di magtatagpo



Credits
Writer(s): Michael Adam Shapiro, Ivan Espinoza, Marvin Querido
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link