September Eleven

Nagsimula sa simpleg tittigan
At gusto pa kita makilala (Makilala)
Alam mo ba 'di ko inaasahang
Ako'y sayo'y nahulog na pala

Napakaganda mo naman kasi
Kaya ako eto nababaliw sa'yo
Kahit pa na toyoin ka ikaw
Parin ang tanging pipiliin ko

Inaasahan ko na sana'y
'Di na mawalan ng chansa (Mawalan ng chansa)
Nang makasama ka para
Hindi na muli ng umasa

Dahil nga ayoko mawala
Sa akin ang isang katulad mo
Na gusto kong yakapin

Kung pwede lang sana'y
Wala nang magbago sa atin
Ikaw lang kasi sapat na

Palaging ikaw ang nais kapiling
Ikaw ang pinipiling
Makasama hanggang sa pagtanda
Alam mo bang ikaw lang
Iibigin ko at manananatiling
Ikaw hanggang ako'y mawala

Kasi ikaw lang

'Di ko rin alam kung pa'no mo nagawang
Mapaibig ako ng ganito
Ang hirap lumayo sa tulad mo
Kaya dito lang ako

Alam mo na hindi na magbabago pa ang isip ko at
Kahit anong mangyari andito para saluhin ka
'Di mo ba alam na ikaw
Ang nagpaparamdam sa akin kung
Paano talaga ang lumigaya

Napakasaya ko, oh
Kung hindi dahil sa'yo
Malamang malungkot parin ako oh!
Binuo mo ako
Napaibig na sa'yo
Kasalanan mo ito
'Di ko kayang lumayo sa'yo, oh

Lagi lagi ba naman kasi kitang kasama
At alam mo naman na malabong 'di ako sasama
Pag ikaw ang nag-aya papunta na ako
'Di ka mapapahiya andirito ako

Asahan mo palagi na kitang aalagaan
Pangakong mananatili na ako hanggang sa kamatayan

Pangako sa'yo...

Palaging ikaw ang nais kapiling
Ikaw ang pinipiling makasama hanggang sa pagtanda
Alam mo bang ikaw lang iibigin ko at
Mananatiling ikaw hanggang ako'y mawala

Kasi ikaw lang
Ahhh...

'Di ko parin alam kung pa'no mo nagawang
Mapaibig ako ng ganito
Ang hirap lumayo sa tulad mo
Kaya dito lang ako

Ayokong mawala ka
Kasi hindi ko makakaya

We are belong together
When I'm with you
I feel so better

Palaging ikaw ang nais kapiling
Ikaw ang pinipiling makasama hanggang sa pagtanda
Alam mo bang ikaw lang iibigin ko at
Mananatiling ikaw hanggang ako'y mawala

Kasi ikaw lang
Ahhh...

'Di ko pa rin alam kung pa'no mo nagawang
Mapaibig ako ng ganito
Ang hirap lumayo sa tulad mo
Kaya dito lang ako



Credits
Writer(s): Clien Kennedy Alcazar, Jom Casem, Princess Angel Belarmino
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link