KKK - Kasangga, Katuwang, Karamay

Hmm (yeah)
CLR, Angela
Hmm, hmm
Let's go

Ako ang sasalubong sa iyong pagmulat
Nawa'y mapayapa ang 'yong paghikab at pag-inat
Kamakailan na mga ulat ay nakakagulat
'Lam kong mahirap, ngunit andito lang ako para sa 'yo

Suliranin mo man ay mabigat
Lilipunin ko lahat, ako na'ng magbubuhat
Ang gagawa n'ya'y ako lang, 'wag kang ma-okatokat
Sapagkat andito lang ako para sa 'yo

Daming rason para sumuko, pero 'di kita bibitawan
Ngayon pa ba 'ko manlulumo sa pagkakaibigang nasimulan?
Ika nga sa 'tin, "Buntot ang isa't isa, kasangga sa lahat ng problema"
Lalaban ka't pati ako, parehas nating kaya 'to
Sabay nating lampasan ang hamon ng mundo

Kaibigan, saglit lang, oo, ikaw
Bago mo gawin 'yan, magbalik-tanaw
Hindi ka nag-iisa, hugutin mo ang magagandang alaala
Maraming oras pa'ng natitira, 'wag mabahala
Ako ang kasangga, katuwang at karamay mo

Ako ang kasangga, katuwang at karamay mo
Andito ako (yeah, yeah)
Asahan mo (kahit subukang pumikit, ako ang 'yong makikita)
Asahan mo

Ikaw ay iingatan, gagaan din lahat ng mabibigat
Kung 'di ka mahirapan, 'padadama sa 'yo na masarap ang yahub
At kailangan mong madapa, p're, 'pang bumangon muli
'Wag paapi, subukan mo

Daming rason para sumuko, pero 'di kita bibitawan
Ngayon pa ba 'ko manlulumo sa pagkakaibigang nasimulan?
Ika nga sa 'tin, "Buntot ang isa't isa, kasangga sa lahat ng problema"
Lalaban ka't pati ako, parehas nating kaya 'to
Sabay nating lampasan ang hamon ng mundo

Kaibigan, saglit lang, oo, ikaw
Bago mo gawin 'yan, magbalik-tanaw
Hindi ka nag-iisa, hugutin mo ang magagandang alaala
Maraming oras pa'ng natitira, 'wag mabahala
Ako ang kasangga, katuwang at karamay mo

Kaya wala naman ding mangyayari kung 'di mo 'ko tutulungan
Walang silbi ang hatak ko kung hindi mo 'ko sinasabayan
Oo, sa mundo na nakakaloko, alam kong duda ka sa mga tao
Tandaan mong nandito ako (yeah), tunay sa 'yo (yeah)

Kaibigan, saglit lang, oo, ikaw
Bago mo gawin 'yan, magbalik-tanaw
Hindi ka nag-iisa, hugutin mo ang magagandang alaala
Maraming oras pa'ng natitira, 'wag mabahala
Ako ang kasangga, katuwang at karamay mo

Kaibigan, saglit lang, oo, ikaw
'Di man madali ang magpigil ng hiyaw, ng lungkot at pangamba (ooh)
Tingin sa gilid dahil ako'y 'yong kasama (yeah)
Punasan ko ang luha mo at ngumiti ka muna
Ako ang kasangga, katuwang at karamay mo (yeah)
Kasangga, katuwang at karamay mo (KKK, whoa)



Credits
Writer(s): Chester Lalinjaman
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link