2021

New verse, trip lang magmanuever kasi matik na the truth hurts
Oust Dutert-
Tinamaan ka ba?
Sinungaling ako pag sinabi ko na cool shirt
Ano nga ba ang topic?
Tol depende sa'king moodswing
Yung mga plano ko pabago bago yan ng blueprint
Kaya salamat kung nakikinig ka pa
Gutom parin ako kaya nanatili yung kaba
Matagal tagal narin mula nung unang sumampa
Kaso tadhana umamba sabi sakin ay kulang pa
Roadtrip punta HQ, lumang long sleeves ang dala
Slow shit trip ngayon 'wag mo na ikumpara sa iba
Kahit kanino dahil walang ginaya, kahit anino
Tawag 'don ay impluwensya, alis ka dito
'Di ko na masikmura parang panis na nido
Ang daming sabi sabi pagbabatuhin ng shuriken
Hiphop, hindi na umalis mula nung tumikim
Baka lang sumang-ayon, araw-araw mo na kulitin
Pero asahan mo dito parin ako pag dumilim
Yeah
Ganon lamang kasimple
Mula sa clothing line, palawak na ang Dekalibre
Salamat sa tumulong, lahat ito ay teamsport
Salamat kuya Mike tara tumambay do'n sa dream court
It was written, free verse, konting rehearse
Kung anong kalabasan patugtugin sa speakers
Yung mga day one, sila parin ngayon kasama ko
Alam nila kung gano kalaki ang mga plano ko
Nagmula sunugan hindi matanggal yung apoy
Pero kahit sa dagat kayang kaya lumangoy
Antay lang sa gamit para upload easy
Hustle, kilos, rest in peace kay Nipsey
Salamat sa alcohol kahit palaging tipsy
Kasi dyan din nabubuo ang mga plano weekly
Turista sa davao, pulis na matakaw
Demonyong presidente, yung buwis ninanakaw
2021 parang last year lang men
Next year tangina baka ganyan lang din
True shit katamad magscroll sa newsfeed
Corona mas mabilis pang kumalat sa nude pic
Curfew nanaman tangina 'no grabe
Sulat musika lalong dumadami
Ipon lang ng ipon tawag dito bwelo
Pag kami umabante, deins na pepreno
Tinaya pati pato, one shot sa dehado
Pag ako nakaisa, cash out sigurado
Oras ay 7:11 nakatambay dun sa ministop
Kapag may bagong plano balik tayo dun sa chilling spot
Kailangan na gawin hindi na tayo pabata
Kasi ang pinakamahirap 'pag yung passion nawala
Kailangan na gawin hindi na tayo pabata
Kasi ang pinakamahirap 'pag yung passion nawala
'Pag yung passion nawala
'Pag yung passion nawala



Credits
Writer(s): Edward Dela Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link