Cece

Magkasalungat
Magkasalungat, Ohh
Ang oras, oras, oras nating dalawa (Yeah)

Magkasalungat ang oras nating dalawa
'La akong problema't komportable na kasama ka
Kung pu pwede lang sana wag ka nalang mawala
Andito lang ako 'wag kang mag aalala
Magkasalungat ang oras nating dalawa
'La akong problema't komportable na kasama ka
Kung pu pwede lang sana wag ka nalang mawala
Andito lang ako 'wag kang mag aalala

Pareho lang naman tayong naguguluhan maaari ngang nagbubulungan
Nagtutulungan kung paano nga ba natin 'to matutugunan
Masulusyunan ng di tayo nag huhulugan
Pilit kong hinahanap ang umpisa't dulo ng sinulid natin
Kung alam ko lang na huli na ang lahat 'di sapat da't sinulit natin
Kaso nga lang natabunan aking
katanungan mahal mo lang ba ako kapag may amat
Kailangan ba ako makaka utang ng saya ng
'di sisingilin ng kalungkutan na mag bayad
At dapat, pasalubong mo saakin ay ngiti at mahigpit na yakap
Sapagkat ako ay nalito't nabigo sa
nabalitaan isang relasyong malusog umano namayat

Magkasalungat ang oras nating dalawa
'La akong problema't komportable na kasama ka
Kung pu pwede lang sana wag ka nalang mawala
Andito lang ako 'wag kang mag aalala
Magkasalungat ang oras nating dalawa
'La akong problema't komportable na kasama ka
Kung pu pwede lang sana wag ka nalang mawala
Andito lang ako 'wag kang mag aalala

Patawad kung minsanan ako'y utak talampakan
Lubos na nakikiusap wag mo muna pabayaan
Sinalag ko ang magtanim ng galit at ang
aking pinalit ay sa pag-ibig magpayaman
Maranasan ko maging payapa, tanggapin ang kalayaan
Ng ito'y harapin mga luha'y nagbagsakan
'di sadyang basain punda ng unang kayakapan
Ako yung lilingunin mo bilang bunga sa lansangan

Pinaplano kong magpasilaw sa pagbabago sinadya ko
Kahit na hindi tantyado kinakapa ko ginawa ko
Magaan at maginhawa naidulot para
sakin ang laki ng pinagbago bilang tao
Kaso nga lang 'di niya na 'ko tinatrato ng
maigi, pinangakong tinatago alanganin na sabihin
Mga alaala na kalimitan dinadayo,
dami kong gustong aminin sa ngayon hindi na tayo

Sa ngayong hindi na tayo
Sa ngayong hindi na tayo (oras ay magkaiba)
Sa ngayong hindi na tayo
Sa ngayong hindi na tayo
Sa ngayong hindi na tayo (malabo labo na)
Sa ngayong hindi na tayo
Sa ngayong hindi na tayo

Magkasalungat ang oras nating dalawa
'La akong problema't komportable na kasama ka
Kung pu pwede lang sana wag ka nalang mawala
Andito lang ako 'wag kang mag aalala
Magkasalungat ang oras nating dalawa
'La akong problema't komportable na kasama ka
Kung pu pwede lang sana wag ka nalang mawala
Andito lang ako 'wag kang mag aalala



Credits
Writer(s): Prince Gamad
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link