Panaginip

Papalapit na ang pagsapit ng dilim
Masisilayan na ang ngiti sa'yong labi
Nakamasid sa'tin ang buwan at bituin
Mata mo'y nagniningning, parang kulisap sa dilim

Kung sa panaginip lang kita masisilayan
Maari ba na mamaya na lang?
Kahit sa panaginip lang kita mahahawakan
Maari ba na mamaya na lang ako gumising?
Sa aking panaginip

Sumasayaw habang tumatawa
Nagtatampisaw sa ulan na parang mga bata
Pinapanood ang araw hanggang lumubog
Nung tayo'y napagod, sumandal ako sayong balikat

Kung sa panaginip lang kita masisilayan
Maari ba na mamaya na lang?
Kahit sa panaginip lang kita mahahawakan
Maari ba na mamaya na lang ako gumising?
Sa aking panaginip

Kung sa panaginip lang kita masisilayan
Maari ba na mamaya na lang?
Kahit sa panaginip lang kita mahahawakan
Maari ba na mamaya na lang ako gumising?
Sa aking panaginip



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link