Hikbi

Umiiwas sa titigan
Lalamunan ay sumasakit
Ako lang ba ang dahilan (dahilan, dahilan)
Ng 'yong mga pag-iyak at hikbi?

Kung 'di mapipigilan ('di mapipigilan)
Sa patalim, pamilyar na ang pagkapit
Sunog na ang tahanan (tahanan)
Na dating binabalot ng ating ngiti

Patak na ng ulan ang nagsabi na
Hindi ka na pwede pang umuwi
Tinahak ang lansangan sa pangangambang
Hindi muli pang makakahalik

Mula sa 'yong binti hanggang mukha
Lambot ng 'yong balat, init ng hininga
Amoy ng 'yong buhok kapag nakahiga
Oh, ang hirap din pala kapag nag-iisa
Iniisip ko pa kung dapat tanungin
Lalaki sa salamin, ikaw ang salarin
Kung bakit hindi kaya pang tumagal
Sino'ng sisindi ng ating dating apoy? (Ng ating dating apoy)
Hindi mababawi mga salitang binitawan sa 'yo
Hmm, binitawan sa 'yo (binitawan sa 'yo), ooh-ooh

Umiiwas sa titigan
Sugat lalo lang sumasakit
Ayoko nang magdahilan (dahilan, dahilan)
Alam ko naman na ako'y nagkamali

Kung 'di mapipigilan ('di mapipigilan)
Paglisan mo ay akin nang tatanggapin
Tila nasa kulungan
Parang masisiraan na 'ko ng bait

Patak na ng ulan ang nagsabi na
Hindi ka na pwede pang umuwi
Tinahak ang lansangan sa pangangambang
Hindi muli pang makakahalik

Mula sa 'yong binti hanggang mukha
Lambot ng 'yong balat, init ng hininga
Amoy ng iyong buhok kapag nakahiga
Oh, ang hirap din pala kapag nag-iisa
Iniisip ko pa kung dapat tanungin (dapat tanungin)
Lalaki sa salamin (lalaki sa salamin), ikaw ang salarin
Kung bakit hindi kaya pang tumagal
Sino'ng sisindi ng ating dating apoy? (Ng ating dating apoy)
Hindi mababawi mga salitang binitawan sa 'yo
Hmm, binitawan sa 'yo (binitawan sa 'yo)
(Ooh, 'di muli pang makakahalik)

Mula sa 'yong binti hanggang mukha (hanggang mukha)
Lambot ng 'yong balat, init ng hininga (ng hininga)
Amoy ng 'yong buhok kapag nakahiga (kapag nakahiga)
Oh, ang hirap din pala kapag nag-iisa

Iniisip ko pa kung dapat tanungin
Lalaki sa salamin, ikaw ang salarin
Kung bakit hindi kaya pang tumagal
Sino'ng sisindi ng ating dating apoy?
Hindi mababawi mga salitang binitawan sa 'yo



Credits
Writer(s): Fernando Cunanan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link