Pagtagpo

Minsan, ako'y nanalangin
Na sana'y ika'y muling makapiling
Sa panaginip ika'y nanatili
At ang 'yong tinig, palaging naririnig

'Di ko na matakpan
Ang sakit na nararamdaman

Kung magkatagpo man tayo
Pipilitin kong 'di lumuha
Gusto ko nang maging masaya
Maalala mo lang sana
Ang pangako mo sinta
Ako'y lumaban
Na kahit na wala ka ng nararamdaman
Ako'y lumaban kahit nasasaktan

Tumatakbo ang oras
'Di na kita mahabol
Ang layo mo na
'Di na kita maabot

Ito na ang huli
Hanggang dito nalang, oh-oh

Kung magkatagpo man tayo
Pipilitin kong 'di lumuha
Gusto ko nang maging masaya
Maalala mo lang sana
Ang pangako nating dalawa
Ako'y lumaban
Na kahit na wala ka ng nararamdaman
Ako'y lumaban, kahit nasasaktan

Pilit kinalimutan
Pasan ko na alaala
Ba't kailangan pang ikaw ang mabura
Sa ukit ng ating larawan
'Di na masisilayan
Ba't kailangan pang ikaw ay mawala

Kung magkatagpo man tayo
Handang-handa na ako bumitaw
Puso ko'y wala ng ikaw



Credits
Writer(s): Jude Pastor
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link