Isang Taon

Nabubulok ang isipan
Sa kakanood ng telenobela
Nabubulok ang katawan
Sa kakaupo sa upuan

Isang taon ng nakalipas
Nabubuhay ka pa ba?
Nakakulong sa iyong isipan
Nalulunod sa kaba

Lumalabo ang paningin
Sa kakatingin sa telepono
Tinatamad ng bumangon
Mula sa kama
Nawawalan na ng gana

Wala na bang panghahawakan
Ganito nalang ba ang kalagayan
Naglalaho na ba ang kinabukasan
Hahayaan lang lumubog ang araw
At uulitin muli



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link