Isang Himala

'Di ko maintindihan kung ano ang dahilan
Kung mawawala ka man ay paano na lang?
Hindi mo ba maramdaman na ako'y nandito lang?
Ano ba'ng dahilan? Nagpaalam naman

Itong salamin, nakatitig pa rin
Ano nga ba ang aking hiling?
Aninag ng aking mata sa dilim
Sa 'yo lamang nakatingin

Isang himala
Ang kailangan ko ngayon ay himala
Araw-araw bang maghihintay kung magbabalik? (Magbabalik)
Lalong nananabik sa 'yo, oh, oh

Bakit 'di mapagbigyan kahit 'sang minuto lang?
Oras nating kay bilis, naubos na lang

Bitin na bitin, nakatitig pa rin
Sa liwanag mong parang bituin
Init ng yakap mo sa 'king dibdib
Ay tuluyan nang nanlamig

Isang himala
Ang kailangan ko ngayon ay himala
Araw-araw bang maghihintay kung magbabalik? (Magbabalik)
Lalong nananabik sa 'yo, oh, oh

Kung ang paraan ay masaktan
Wala na akong pakiramdam
Habang ang langit ay umiiyak
Ako'y makikiusap na naman
Ng isang himala
Isang himala

Isang himala
Ang kailangan ko ngayon ay himala
Araw-araw bang maghihintay kung magbabalik? (Magbabalik)
Lalong nananabik sa 'yo, oh, oh

Isang himala
Ang kailangan ko ngayon ay himala
Araw-araw bang maghihintay kung ika'y babalik? (Magbabalik)
Lalong nananabik sa 'yo, oh, oh

(Isang himala, isang himala)
Kailangan ko (isang himala, isang himala, isang himala, isang himala)
Kailangan ko (isang himala, isang himala, isang himala, isang himala)
Ooh, ooh-ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh



Credits
Writer(s): Ronzel Bautista
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link