Posas

Gabi-gabi, ikaw ang napapanaginipan ko
Hindi ko alam kung bakit
Para bang may gumugulo sa isip ko
Laging nakakabit

May posas yata na nakakandado sa ating dalawa
Bigla na lang ako nagtaka
Tayo nga ba ang pinagtagpo ng tadhana
Ngunit hindi pa ako handa

Bakit ba nakakulong ka sa isip ko?
May pakialam ba ako sa'yo?
Pagod na talaga ako
Kaya pakawalan mo ako
Pakawalan mo ako

Bakit kaya, sa t'wing nasusulyapan kita
Napatulala pa ako?
Pag nakita ko ang iyong ganda, napapatulin ang tibok
Ng puso ko

Lagi ka lang ba nakadikit sa damdamin ko
Ayoko na namang mabigo
Tayo nga ba ang pinagtagpo ng tadhana
Ngunit hindi pa ako handa

Bakit ba nakakulong ka sa isip ko?
May pakialam ba ako sa'yo?
Pagod na talaga ako
Kaya pakawalan mo ako
Pakawalan mo ako

Pakawalan mo ako



Credits
Writer(s): Julius Mani
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link