Mulat

Oh, imulat na ang mga mata
Sapagkat ang dami pang nagbubulag-bulagan sa katotohanan
Kailan ba sisimulan?

Gutom, bala, dahas
Hanggang kailan mawawakas?
At bakit ang batas, parang walang lakas?
Panindigan, katuwiran
Kapuwa natin, 'wag kalimutan
Kaya pa ba ng ating lipunan?

Tayo'y bayang binaboy, taong tinaboy
Kaya't tayo na't magtulungan
Magpakatapat tayong mga kabataang
Siyang pag-asa ng ating bayan
'Wag nang ilagay sa bahala ang laban na tama
Wala nang oras para maging duwag
Oras para magbubulag-bulagan

Oh, imulat na ang mga mata
Sapagkat ang dami pang nagbubulag-bulagan sa katotohanan
Kailan ba sisimulan?

Isipin ang bilyon-bilyong perang nawala
Maiibalik pa ba kaya? Maiibalik pa ba kaya?
Ilang may sakit sana ang nakinabang
Kapatid, 'wag nating kalimutan
Tayo'y baong baon na sa utang
Hanggang kailan kaya gagapang?

Sa lupang 'di na natin matatawag na talagang atin
Nang tayo'y itinakwil, pinabayaa't 'di pinahalagahan
Kamangmangan ng mamamayan, palaging pinagsasamantalahan
Kaya't piliin na'ng pinuno, kaya tayong paglingkuran
Nang walang pagkiling, mahirap man o mayaman
Ilang dugo pa ang dadanak? Ang sagot sa pandemya'y wasak
Ang ating ekonomiya'y bagsak, puso at buhay ng mga Pilipino
Hindi 'yan kabayaran, hindi 'yan kabayaran, 'di 'yan kabayaran

Kailangan ka ng Pilipinas
Kailangan ka ng Pilipinas
Kailangan tayo ng Pilipinas
Ikaw, ikaw
Ako, tayong lahat ay kailangan ng Pilipinas

Oh, imulat na ang mga mata
Sapagkat ang dami pa ring nagbubulag-bulagan sa katotohanan
Kailan ba (sisimulan)? Kailan ba?

Imulat na ang mga mata
Sapagkat ang dami pa ring nagbubulag-bulagan sa katotohanan
Kailan ba sisimulan?



Credits
Writer(s): Chelsea Dawn Bureros
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link