Janice

Halika rito
Sumugal ka ng sampung minuto
Sabay tayong maglalayag sa kawalan
Sakay ng ating isipan

Iwan natin silang lahat
Tayo muna hanggang sa pagdilat
Buburahin lahat ng alaala kasama sila

Saglit lang, tayo munang dalawa
Saglit lang, tayo munang dalawa

Lumapit ka rito
Kahit na sampung segundo
Hawakan ang aking kamay kahit pasmado
Magsisilbing tulay tungo sa 'di sigurado

Iwan natin silang lahat
Tayo muna hanggang sa pagdilat
Buburahin lahat ng alaala kasama sila

Saglit lang, tayo munang dalawa
Saglit lang, tayo munang dalawa

At kung sakaling hindi umayon ang panahon
Hahayaan na'ng tadhana'ng gumawa ng paraan
Tatakbo sa kawalan, 'di ka papakawalan
Saglit lang, tayo munang dalawa



Credits
Writer(s): Johnvie Delarosa Viloria, Leonard Obero
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link