Pansamantala

Araw lang ang tinagal
Ng puso mong magpasaya
Nagkamali ng minahal
Di ka pa pala malaya

Binigyan ka ng panahon
Kung limot na ang nakaraan
Kung kaya mo na lahat itapon
O gusto lang ng magpapatahan

Hindi na nga nasulit ang saya
Binawi kaagad
Ohh

Napasaya, napakilig
Pero hindi naging sapat
Di mo naman inibig
Puso'y hindi naging tapat
Gusto parin na balikan
Ang pag-ibig ng kahapon
Parang buwan
Naiwan pagdating ng araw

Nung lumingon
Ka sa nakaraan
Gusto parin na balikan
Ang nakaraan

Pansamantalang kasiyahan
Puso lang ay nasaktan
Ako lang rin naman naipit
Bakit pa kasi pinilit?

Ang sabi mo kaya mo na
Nagpasalamat ka pa nga
Dahil ika'y nalulungkot
Pero bakit bigla kang nayamot?

Hindi na nga nasulit ang saya
Nagsawa kaagad
Ooh

Napasaya, napakilig
Pero hindi naging sapat
Di mo naman inibig
Puso'y hindi naging tapat
Gusto parin na balikan
Ang pag-ibig ng kahapon
Parang buwan
Naiwan pag dating ng araw

Nung lumingon
Ka sa nakaraan
Gusto parin na balikan
Ang nakaraan

Sinubukan ika'y tulungan
Kalimutan ang nakaraan
Pinatalo lang ang puso
Noong binigay ko ang lahat ko

Hindi porket inayos kita
Ay dapat akin ka
Puso lang ay nilaro mo
Panahon ay sinayang mo

Pinasaya't pinakilig
Ang pusong mong sawing sawi
Hindi handang umibig
Sana'y hindi nagmadali
Gusto parin na balikan
Ang pag-ibig ng kahapon
Parang buwan
Iniwan pagdating ng araw

Nung lumingon
Ka sa nakaraan
Gusto parin na balikan
Ang nakaraan

Nung lumingon
Ka sa nakaraan
Nilingon lingon parin pala
Ang nakaraan



Credits
Writer(s): Arian Ramirez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link