G Wolf

Alam ko na isa 'to sa na-miss niyo
'Yung ako'y magpaka-beast
Pero at least, lagi pa ring nasa list
Kahit walang ni-release
'Yung mga diss, buti na lang natiis ko
Kahit nakakainis
Sa "Unli" pa lang ay panis na
Wala 'kong kailangan i-please

Ako lang 'yung 'di lumusog
Pero 'yung sulat busog, 'yung beat ay palaging sunog
'Di na sumusulat nang hindi magkakatunog
'Di pa ba kayo nakatunog?
Sa 'kin lang kayo makakanood
Na 'yung tiyamba magkakasunod
Kaya halatadong tulog pa 'yung taong
Nagsabi sa aking 'di pa ko hubog

Tapos sila, mga lyrics, may kasamang kulog (wow)
Mga ugok (ugok), magkakasabay na bulok (lok-lok)
'Di kami 'yung dahilan bakit 'di na kayo patok
Sadyang hindi na pasok dito 'yung mga tira, pasok

Napakadami kong naalog
Simula nu'ng nakita nila 'ko tumula nang padabog
Lahat sila sa 'kin pasugod
Totoo pala ang inggit ay hindi na kayang magamot
Ako lagi tampok ng mga tunog hambog
Laging may nag-aamok
Kahit na wala 'kong inalok
May sumasagot, "Hoy, ano ba naman? Ambot"

Parang sa buwan sumuntok
Mga pumutok pero sa pangalan namin nakabuntot
Mga kumurot nu'ng lumagabog
Ang mga tunog na akala nila kabuteng sumulpot
Malamang sa malamang ay mauna pa din sila mauntog
Bago pa makarating sa tuktok, sira tuktok
Panahon niyo na maudlot, kasi kami na ang tagatuldok

Oh sige, namnamin niyo lang
Pero pagtagal, malalaman niyo rin ang sumatutal
Kung gusto niyong mapansin, sige lang
Pero tandaang magkaiba ang nauso lang sa popular

Hoy, 'di to madali, boy
'Wag niyo nga 'kong kinikengkoy
'Di ko na rin kayo kalebel, oy!
Malaki na ang kaibahan
Kahit magtanong ka pa sa iba diyan
Basta may alam, alam niya na 'yan
Diyos ko naman, 'pag 'di pa inamin, ewan ko na lang

Oh sige, eto pa
Baka bitin ka pa sa mga naririnig mo ngayon
Ito yung tipo na isang beses mo lang
Maririnig sa akin kada taon
'Di 'to para sa palakpakan
Gusto ko lang ipangalandakan
Na hindi lang ako pangkalmahan na kantahan
'Yun ang 'di niyo nalaman

'Yun lang ang ginawa kong hakbangan
Hanggang sa nagkapangalan
Habang 'yung ibang kunwaring nababawan
Ginagawa akong hagdanan
Ang daming nakulangan, nahinaan
Kailangan ko pa yatang pakitaan
Kaso nga lang, 'di na bali
Baka sa 'kin pa madaming mayabangan

'Di mahulaan 'yung tugma, 'di lang sa dulo may suntok
Pati sa gitna mula umpisa, may pinupunto 'to
Magaling na sana sila kung 'di natuto 'to
Dahilan ba't nawalan ng papel 'yung iba at 'yon ang totoo

'Di ko na din kasalanan kung ayaw ko na magpaawat
Dirediretso ang lakad, patunay na mga paa'y sa lapag nakatapak
Banat nang banat hanggang matupad lahat ng mga balak
Mapasakamay ang hindi ko pa hawak hanggang sa lumawak
Kasi nga gano'n naman talaga dapat (damn)

Sa dami nang pinakalat ay bakit ang dami pa ring nasasabi na lait?
Kung kami palagi ang hinahanap ng marami at sa 'min sila lumalapit
Kung kami palagi ang topic ng mga tao na sa awit namin ay naadik
'Di ka na dapat nagagalit kung 'di mo gustong makisabit

Oh, gusto niyo ng flex? Sige, ito pa yung next
Tignan niyo na lang kung sino yung nakaabante (nakaabante)
Kita naman kung sino 'yung nakadiyamante (ice, ice)
Daming nagkalat sa kalyeng feeling higante
Pero kapag umatake, mas mabango pa 'yung tae ng elepante

Akala ko ba magaling, bakit nandiyan pa rin? (Nandiyan pa rin)
Tignan niyo na lang kami, layo na ng narating
Mula nu'ng kami'y dumating, lahat sila ay naging katawa-tawa na sa scene
Nakita kasing iba 'yung nagmamagaling sa tunay na magagaling



Credits
Writer(s): Archie Dela Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link