Mapaglaro

Tila paulit-ulit
Di maisip kung bakit
Ako sayo'y hindi makawala

Bakit pabalik-balik
Ako'y umaasa
Nagbabaka-sakaling mapansin ako

Kailan ba gigising ang puso ko?

Bakit ba parang paikot-ikot
Tayo sa mapag-larong mundo?
Nakukuntento lang sa pakilig habang wala namang tayo
Bakit di parin bumibitaw ang
Puso kong nahuhulog sa'yo?
Masakit parin kung iisipin na wala namang tayo
Mapaglaro

Hmmm

Hindi mapigil-pigil
Laman ng damdamin
Sa tuwing ika'y kausap ako ay masaya

Hindi masabi-sabi
Laman ng puso ko
Natatakot akong ikaw ay mawala

Kailan ba gigising ang puso ko?

Bakit ba parang paikot-ikot
Tayo sa mapag-larong mundo?
Nakukuntento lang sa pakilig habang wala namang tayo
Bakit di parin bumibitaw ang
Puso kong nahuhulog sa'yo?
Masakit parin kung iisipin na wala namang tayo

Mapaglaro
Ang puso mo
Huwag ako
Sa dinami-raming tao sa mundo
Bakit ako?
Gisingin ako
Sa katotohan na walang tayo

Bakit ba parang paikot-ikot
Tayo sa mapag-larong mundo?
Nakukuntento lang sa pakilig habang wala namang tayo
Bakit di parin bumibitaw ang
Puso kong nahuhulog sa'yo?
Masakit parin kung iisipin na wala namang tayo

Huwag ako
Sa dinami-raming tao sa mundo
Bakit ako?
Gisingin ako
Mapaglaro
Hmmm
Mapaglaro



Credits
Writer(s): Kim Rivera
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link