Maganda Kahit Matanda

Siya ay maganda kahit matanda (ooh-ooh-ooh-ooh)

Oh, kay tamis pa rin ng ngiti niya't mga tawa
Walang pinagbago, ganda niya'y 'di nakakasawa
Panay kwento ng nakaraan
Sa dami ng kanyang napagdaanan, oh
Kung siya'y pauwi, mga bata'y papunta pa lamang

Lahat ay nagpapakahirap magpabata
At takot na mahalata
Ngunit sa totoo lang
Bakit natatakot, eh, eded lang 'yan? Oh

Siya ay maganda kahit matanda (ooh-ooh-ooh-ooh-yeah)
Siya ay maganda kahit matanda (ooh-ooh-ooh-ooh)

Kaya't isang tagay hanggang mamatay
At tagay habang-buhay
Para d'yan sa ating seksing mga nanay
Kahit dalagang 'di na nakapag-asawa
Kagandahan na hinding-hindi nakakasawa

Sa tinagal-tagal ng panahon
Siya'y Megastar pa rin hanggang ngayon
Anumang henerasyon
Siya'y kumikinang pa rin
Siya'y isang bituing hindi nauubusan ng ningning

Siya ay maganda kahit matanda (ooh-ooh-ooh-ooh-yeah)
Siya ay maganda kahit matanda (ooh-ooh-ooh-ooh)

Lahat ay nagpapakahirap magpabata
At takot na mahalata
Ngunit sa totoo lang
Bakit natatakot, eh, eded lang 'yan

Oh, siya ay maganda kahit matanda
Siya ay maganda kahit matanda

Ooh-ooh-ooh-ooh

Oh, siya ay maganda kahit matanda (ooh-ooh-ooh-ooh)
Oh, siya ay maganda kahit matanda (ooh-ooh-ooh-ooh)
Siya ay maganda kahit matanda (ooh-ooh-ooh-ooh)
Siya ay maganda kahit matanda (ooh-ooh-ooh-ooh)

Ooh-ooh-ooh-ooh



Credits
Writer(s): Mark Nievas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link