Buti Na Lang Hindi Ikaw

Nagsawa rin ako sa mga pangako mo
Kesyo hindi iiwan at paglalaruan
Ang hirap tanggapin nang ako'y iwanan mo
Laging dinadalangin, sana ako'y palarin

Heto ako ngayo'y masaya
Nanumbalik muli ang sigla
Mundo ko'y muntik nang gumunaw
Buti na lang hindi ikaw

Natatawa lang ako sa mga drama mo
Para akong isang tangang sa pag-ibig mo lang umasa
Ang hirap tanggapin nang ako'y iwanan mo
Laging dinadalangin, sana ako'y palarin

Heto ako ngayo'y masaya
Nanumbalik muli ang sigla
Mundo ko'y muntik nang magunaw
Buti na lang hindi ikaw

Heto ako ngayo'y masaya
Nanumbalik muli ang sigla
Mundo ko'y muntik nang magunaw

Buti na lang hindi...
Buti na lang hindi...
Buti na lang hindi ikaw



Credits
Writer(s): Emil Pama
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link