Katulad Na Katulad Mo Siya

Kumusta ka na ba?
Gano'n ka pa rin kaya?
Naiisip mo rin kaya ako?
Pasensya ka na ha
Kung sinulatan pa muli kita
Mayro'n lang nais sabihin sa 'yo

Na pinilit sa iba ay tumingin
Hindi nagbago ang hinihiling

Na makita kong muli dagitab ng mga mata
At kahit pa may sobra kang kuntil sa 'yong tenga
Makahanap man ako ng iba
Sana ang ngipin niya'y katulad ng ngipin mo sa una
Ang humihiwalay mong hinliliit sa paa
Ikaw lang ang may beywang na ganyan ang kurba
Makahanap man ako ng iba
Sana ay katulad na katulad mo s'ya

At alam mo bang?
Itinago pa rin lahat
Ang tamis ng bawat alaala mo
Ang inalay mong tula
Pitakang galing sa 'yo
Panghahawakan hanggang makayanan ko

Na piliting sa iba ay tumingin
Hanggang mabago ang hinihiling

Na makita kong muli dagitab ng mga mata
At kahit pa may sobra kang kuntil sa 'yong tenga
Makahanap man ako ng iba
Sana ang ngipin niya'y katulad ng ngipin mo sa una
Ang humihiwalay mong hinliliit sa paa
Ikaw lang ang may beywang na ganyan ang kurba
Makahanap man ako ng iba
Sana ay katulad na katulad

Mo s'yang ngumiti
Isang katulad mong nakikita ang kagandahan ng iba at ng paligid mo
At ikaw lang
At ikaw lang
Ang may pisnging gan'yan
Mukhang mahihirapan ako

Na makita kong muli dagitab ng mga mata
At kahit pa may sobra kang kuntil sa 'yong tenga
Makahanap man ako ng iba
Sana ang ngipin niya'y katulad ng ngipin mo sa una
Ang humihiwalay mong hinliliit sa paa
Ikaw lang ang may beywang na ganyan ang kurba
Makahanap man ako ng iba
Sana ay katulad na katulad mo s'ya



Credits
Writer(s): Kyle Anunciacion
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link