Pusong Sa'yo Pa Rin

Nang mawala ka
Mga ala-ala ay yakap ko pa
Naghihintay pa rin
Sa'yong pagbalik 'kaw pa ba'y darating
At kung muli tayong magkatagpo
Sana'y damdamin mo'y 'di naglaho

Kung sa'n man dal'hin
Nitong himig ko
Nais ka pang mahalin
Ikaw ang hiling
Sa langit man abutin
Ika'y hahanapin
Ng pusong sa'yo pa rin

Pangakong naglaho
Naiwang kahapong luha ay naipon
Maibabalik pa ba
Ang ating panahon
Ang tamis ng noon
Sa t'wina'y umaasang maalala mo
Sumpaang tayo'y 'di magkakalayo
Hanggang sa dulo

Kung sa'n man dal'hin
Nitong himig ko
Nais ka pang mahalin
Ikaw ang hiling
Sa langit man abutin
Ika'y hahanapin
Ng pusong sa'yo pa rin

Sa'n ka man naroroon
Sadya bang wala ng pagkakataon
Wagas kong pag-ibig iyong lilimutin
Kaylangan na bang sumuko
Pa'no ko 'to tatanggapin

Kung ikaw ang s'yang laging hiling
Sa'yo lang alay ang aking damdamin
At ang tadhana man ay pipiliting
Muli mong ibigin
Ang pusong sa'yo pa rin
Hhhmm
Muli mong ibigin
Ang pusong sa'yo pa rin



Credits
Writer(s): Pillow Stories
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link