Pinoy Tayo

Lahat tayo'y may pagkakaiba
Sa tingin pa lang ay makikita na
Iba't ibang kagustuhan
Ngunit iisang patutunguhan

Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa 'yo
Nais mong ipakilala
Kung sino ka man talaga

Pinoy, ikaw ay Pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo

Ibang-iba ang Pinoy
'Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo
Pinoy ako, Pinoy tayo

Ipakita mo ang tunay at kung sino ka
Mayro'n mang masama at maganda
Wala namang perpekto
Basta't magpakatotoo

Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa 'yo
Nais mong ipakilala
Kung sino ka man talaga

Pinoy, ikaw ay Pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo

Ibang-iba ang Pinoy
'Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo
Pinoy ako, Pinoy tayo

Talagang ganyan ang buhay
Dapat ka nang masanay
Wala ring mangyayari kung ika'y laging nakikibagay

Ipakilala ang iyong sarili
Ano man ang mangyari
Ang lagi mong iisipin
Wala kang 'di kayang gawin

Pinoy, ikaw ay Pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo

Ibang-iba ang Pinoy
'Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo
Pinoy ako, Pinoy tayo

Pinoy ako, Pinoy tayo



Credits
Writer(s): Clemen Castro Castro, Jonathan Manalo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link