Pikit Mata

Bakit hirap ang marami, hirap masabi
Na ika'y masaya sa tagumpay ng iba
Pero bilang tao, ako'y naiinggit din naman
Kaya't ngayo'y bibigyan diin tagos hanggang laman

Di ko naman intensyon na mayabangan kita
Ito'y isang selebrasyon ng natanggap na biyaya
Gabriela Silang leader ng himagsikan
Di ako ang iyong kalaban, ako'y mula sa perlas ng silanganan

Tayo parehong Pilipino, ako'y Bataeño
Nagmula sa bayan ng Dinalupihan at dumayo
Kung ang musika ko'y tunog pang dayuhan
Wag na nating pagtalunan, wag mong isipin nagyayabang nanaman

Subukan pag inggit ipikit ang yong mata
Ng 'di mo madama ang sakit
Subukan pag inggit ipikit ang yong mata
Nakikinig ka ba? Nakikinig ka ba?

Mabuti pa sila ay meron ng ganon
Mabuti pa sila ay meron pang ganyan
Kailan ba darating ang tamang panahon
Bawat araw harapin ng pikit mata

Pikit mata kong hinaharap ang buhay kung saan namulat
Bawat araw na salat, walang sarap, tila walang pagasang umangat
Minamasdan ang langit tila, Nangangarap magka-Fila
Nike, Gaming PC, Maraming Pera at Toyota

Mabuti pa'ng iba maraming pambili, may regalo kahit pasaway
Ako'y naglalaway, hanggang sila'y mahimlay may letson padin sa lamay
Kubyertos nila'y ginto, samin pag kumakain naka-kamay

Di ako masamang tao, pero bakit ganon?
Mas meron pa ang mga sira-ulo
Naiinggit ako sa mga pamilyang buo at may pang bisyo
Sa mga ka-edaran kong may sariling negosyo

Subukan pag inggit ipikit ang yong mata
Ng 'di mo madama ang sakit
Subukan pag inggit ipikit ang yong mata
Nakikinig ka ba? Nakikinig ka ba?

Mabuti pa sila ay meron ng ganon
Mabuti pa sila ay meron pang ganyan
Kailan ba darating ang tamang panahon
Bawat araw harapin ng pikit mata

Di mo lang nakikita na
Ang meron ka ay wala sila
Ang meron ako ay wala ka
Di mo lang pinapansin

Di mo dapat ikalungkot
Ang tagumpay ng iba
At sa pagkabigo ng kapwa pinoy
Doon ka nagsasaya? inggit ka ba?

Subukan pag inggit ipikit ang yong mata
Ng 'di mo madama ang sakit
Subukan pag inggit ipikit ang yong mata
Nakikinig ka ba? Nakikinig ka ba?

Mabuti pa sila ay meron ng ganon
Mabuti pa sila ay meron pang ganyan
Kailan ba darating ang tamang panahon
Bawat araw harapin ng pikit mata

Di mo lang nakikita na
Ang meron ka ay wala sila
Ang meron ako ay wala ka
Di mo lang pinapansin



Credits
Writer(s): Immanuel John Fernandez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link