Pagitan

Gusto ko lang malaman kung anong nangyari
Parang okay lang naman tayo dati
Nakaramdam ako pero 'di ko sinabi
Nanlamig ang puso parang nawalan ng sindi

Hindi na naisip na, baka pwedeng lumaban pa
Kaya isinuko na, gan'on nalang pala
Hindi na pinilit pa, nagmatigas kahit mali na
Nalulong sa tama, hindi ka nakita
Nabulag at hindi na nagparaya

Sa pagitan ng ikaw at ako
Oh oh oh
May galit at tampo, kaya tinalikuran ang lahat ng 'to
Alam mong sa
Oh
Pagitan ng ikaw at ako
Oh oh oh
Inuna lagi ang sarili ko
Pasensya na ngayon ko lang naisip 'to
Ngayon ko lang naisip

May pagitan pa'rin ngayon, 'di ko maipigilang lumingon
Pasensya na sa mga nagawa
Yeah Yeah
'Di ko sinasadyang saktan ka
Yeah Yeah
Hanggang ngayon nasa isip ko parin ito
Ilang taon nang nakalipas pero heto ako
Oh
Kung kaya man ibalik ang oras 'di ko ipagpapalit 'to

Sa pagitan ng ikaw at ako
Oh oh oh
May galit at tampo, kaya tinalikuran ang lahat ng 'to
Alam mong sa
Oh
Pagitan ng ikaw at ako
Oh oh oh
Inuna lagi ang sarili ko
Pasensya na ngayon ko lang naisip 'to
Ngayon ko lang naisip

Sa pagitan ng ikaw at ako
May galit at tampo, tinalikuran ang lahat ng 'to



Credits
Writer(s): Darrel Chan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link