Bakit Pa?

Aking bibig ay binubulong ka
Aking mata'y hinahabol ka
Aking tenga'y gusto kang marinig
At ang aking utak, wala nang inisip kun'di ikaw

Noong unang araw tayong magkasama
Niyakap ako ng saya
Noong huling araw kitang nakita
Binalot ako ng luha

Kay dami ko nang hindi nasabi sa'yo
Ngunit ngayon, ako'y may tanong

'Pag hinawakan ba kita 'di ka bibitaw?
Kapag hinawakan ba kita 'di ka bibitaw?

Gising na
Umaga na

Kailan pa man ang puso ko'y nagsisinungaling
'Di na alam ang totoo sa hindi
Kay sakit mang aminin ngunit ito'y puro pighati
Pusong nasagi, napatid, nabali, na sa'yo ang kalahati

Kay dami ko nang hindi nasabi sa'yo
Ngunit ngayon, ako'y may tanong

'Pag hinawakan ba kita 'di ka bibitaw?
Kapag hinawakan ba kita 'di ka bibitaw?
'Pag hinawakan ba kita 'di ka bibitaw?
Kapag hinawakan ba kita 'di ka bibitaw?

Bakit pa kita nakilala?
Bakit pa kita nakilala?
Bakit pa kita nakilala?
Bakit pa?



Credits
Writer(s): John Neil
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link