!

Pa-ra-ra-ra, pa-ra-pa
Pa-ra-ra-ra, pa-ra-pa

Sino na naman 'yang bago mo?
Parang kailan lang, nasaktan ka't sa 'kin tumungo
Mula bata, ika'y kargo ko
Ako ang 'yong hari 'pag may dinadala ang puso

(Kahit kailan) ako'y darating
(Kahit na kahit kailan) hindi mo 'ko napapansin
(Dapat nga bang) aking kimkimin?
(O parang dapat yatang) akin na nang sambitin na ikaw

Ang pintig nitong aking puso, 'di susuko, oh
Walang quit, quit, ikaw lang ang punto sa dulo
Wala nang saklong o gitling
Sasabihin ko na sapagkat

Ayokong tumandang paramdam lang nang paramdam
Tuldukan mga tanong na humahadlang
'Di na bale kung lahat ng 'to'y masayang lang
'Hahayag ko na sa 'yong ika'y inaasam
'Pagkat ayaw kong tumandang paramdam nang paramdam

(Pa-ra-ra-ra, pa-ra) paramdam nang paramdam
(Pa-ra-ra-ra, pa-ra) paramdam nang paramdam

Huh, heto na naman ang ating tagpo
Tignan mo nga naman, nasaktan ka't sa 'kin tumungo
Umayon nga bang ating mundo?
Ito na ba'ng pagkakataong sambitin sa iyo na ikaw

Ang pintig nitong aking puso, 'di susuko, oh
Walang quit, quit, ikaw lang ang punto sa dulo
Wala nang saklong o gitling
Sasabihin ko na sapagkat

Ayokong tumandang paramdam lang nang paramdam
Tuldukan mga tanong na humahadlang
'Di na bale kung lahat ng 'to'y masayang lang
'Hahayag ko na sa 'yong ika'y inaasam
'Pagkat ayaw kong tumandang paramdam nang paramdam

Oh, hindi ko kinaya no'ng aking marinig
Lumabas sa bibig mong niyaya ka niyang mag-isang dibdib
Biglang ang mundo'y nagdilim
No'ng sabihin mo na "Imbitado ka"

Mukha ngang tatandang paramdam lang nang paramdam
Natuldukan na ang tanong, wala nang saysay
Ang 'tinatagong pagtinging 'di na magtatangkang
Ihayag ko pa sa 'yong ika'y inaasam
Baka nga ako'y tumandang paramdam nang paramdam (oh-whoa)

(Pa-ra-ra-ra, pa-ra) paramdam nang paramdam
(Pa-ra-ra-ra, pa-ra) paramdam nang paramdam
(Pa-ra-ra-ra, pa-ra) paramdam nang paramdam
(Pa-ra-ra-ra, pa-ra) paramdam nang paramdam

(Pa-ra-ra-ra, pa-ra) paramdam nang paramdam
(Pa-ra-ra-ra, pa-ra) paramdam nang paramdam
(Pa-ra-ra-ra, pa-ra) paramdam nang paramdam
(Pa-ra-ra-ra, pa-ra) paramdam nang paramdam



Credits
Writer(s): Thyro Alfaro
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link