Song No. 5 (Kahit Minsan)

Paulit-ulit na lang nakatulala
'Di mo naintindihan, sadyang ganyan

Kaluluwa'y sumisigaw, laman ng puso ko'y ikaw
Mahal kita, 'di bibitaw

Sana ay tanggapin, ang tangi kong hiling
Ay makapiling ka, sinta
At kahit kapusin, handa 'kong harapin
Mga pagsubok na dala
At kung hindi (okay lang naman)
At kung itutuloy, pakisabi na lang

Ika'y naguguluhan, ang daming iniisip
'Di mo naman kailangan sagutin ako agad

Kaluluwa'y sumisigaw, laman ng puso ko'y ikaw
Mahal kita, 'di bibitaw

Sana ay tanggapin, ang tangi kong hiling
Ay makapiling ka, sinta
At kahit kapusin, handa 'kong harapin
Mga pagsubok na dala
At kung hindi (okay lang naman)
At kung itutuloy, ang masasabi ko lang ay

Kahit minsan ay malayo ka
Sa aking piling, 'di maglalaho
Kahit minsan ay malayo ka
Sa aking piling, 'di magbabago

Kaluluwa'y sumisigaw, ang puno't dulo ko'y ikaw
Mahal kita, 'di bibitaw

Sana ay tanggapin, ang tangi kong hiling
Ay makapiling ka, sinta
At kahit kapusin, handa 'kong harapin
Mga pagsubok na dala
At kung hindi (okay lang naman)
At kung itutuloy, ang masasabi ko lang ay

Kahit minsan ay malayo ka
Sa aking piling, 'di maglalaho
Kahit minsan ay malayo ka
Sa aking piling, 'di magbabago

Kahit minsan ay malayo ka
Sa aking piling, 'di maglalaho
Kahit minsan ay malayo ka
Sa aking piling, 'di magbabago

'Di maglalaho



Credits
Writer(s): Janessa Geronimo, Josh Lua, Joshua Buizon, Over October
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link