Sa Labas Ng Kahon

May paraan upang ilabas ka sa apat na sulok ng kahirapan
Alisin ang takip na humahadlang upang maabot ang karangyaan
Iahon sa sisidlang pananaw at tradisyunal na batas na kinamulatan
Itulak ang dingding ng diskriminasyon sa ginagalawang lipunan

Sa labas ng kahon, dinig ang tinig ng kababaihan
Tanaw ng madla halaga nyang di matatawaran
Sa labas ng kahon, may masigabong pagdiriwang
Sa pakinabang na dulot ng angkin nyang kakayanan

May paraan upang bigyan ka ng tamang panglingap sa kalusugan
Angkinin ang pag-unlad na dulot ng edukasyong di nalilimitahan
Humakbang palabas sa parisukat na nagmistulang kulungan
Patunayan kayang makipagsabayan sa mga pinunong kalalakihan

Sa labas ng kahon, dinig ang tinig ng kababaihan
Tanaw ng madla halaga nyang di matatawaran
Sa labas ng kahon, may masigabong pagdiriwang
Sa pakinabang na dulot ng angkin nyang kakayanan

Panahon nang ang kahon ng media ay pawalan ka nang tuluyan
Ipakita kung ano ang tunay na taglay mong kagandahan
Panahon nang palayain ka sa kahon ng mga batas pangkalikasan
At isa-alang-alang din ang iyong pangangailangan at kapakanan

Sa labas ng kahon, dinig ang tinig ng kababaihan
Tanaw ng madla halaga nyang di matatawaran
Sa labas ng kahon, may masigabong pagdiriwang
Sa pakinabang na dulot ng angkin nyang kakayanan

Panahon nang itaguyod ang karapatan laban sa karahasan
Sa madilim na kahon, lumaya sa pang-aabuso at pagkagipit sa digmaan
Maging mga munting kababaihang, sa mundo'y sumisibol pa lamang
Huwag sa kahon arugain kundi sa bisig at pag-ibig ng magulang

Sa labas ng kahon, dinig ang tinig ng kababaihan
Tanaw ng madla halaga nyang di matatawaran
Sa labas ng kahon, may masigabong pagdiriwang
Sa pakinabang na dulot ng angkin nyang kakayanan

Naniniwala ako na dapat ay may boses din ang mga kababaihan
sa mga nililikha at pinapasang batas,
para sa bayan narin natin, para masiguro ang kanilang kapakanan

Karapatan mo bilang isang batang babae...
makapaglaro, makapag-aral, magkaroon po ng magandang bukas

Sa labas ng kahon, dinig ang tinig ng kababaihan
Tanaw ng madla halaga nyang di matatawaran
Sa labas ng kahon, may masigabong pagdiriwang
Sa pakinabang na dulot ng angkin nyang kakayanan



Credits
Writer(s): Hemmady Mora
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link