Come Home

Namimiss agad kita alam mo ba
Sa tuwing palabas nako ng gate nalulungkot na
Bilis kasi ng oras pwede bang tagalan muna
Yung laban ko sa buhay kelangan katabi kita

Mga oras nalulungkot nagmumukmok sa gilid
Poot at lungkot naranasan hinding hindi masisid
Kahit ano pang pilit na sumaya
Iba pa din ang pakiramdam pag-kayakap at kasama ka (Uhuh)

Kung pwede lang sanang tumagal edi habang buhay na (Uhuh)
Ito reyalidad ng pag ibig kaya palaging maligaya
Sa daming problemang nadaanan nalampasan nalabanan palag lang
Hindi pwedeng mahadlangan

Ang mga pangarap sa buhay na gustong makamtan
Na balang araw ang lahat ng pagod ay masusuklian

Ako'y laging nanabik sa yakap mo at halik
Sa tuwing kasama ka di maiwasan masabik
Kahit minsan tahimik gusto na sayo pumilipit
Araw araw nais matamis sawa na sa pait

Pasensya na kung minsan pasaway ako
Asahan mo kahit ganyan pero kuntento
Ang pag ibig sayo hindi mag babago
Lumipas man ang taon hindi mag sasawa sayo

Minsan kasi naisip ko nalang
Manatili sa tabi mo problema'y nakakalimutan
Lahat ng negatibong bagay ikaw ang katuwang
Napapatungo mo ito sa positibong usapan
Madaming pinagdaanan pero sayo bumagsak
Ang dating nakasimangot sagana na sa halakhak
Usapan natin na malalim sabay tingin din sa bituin
Ito pala napapala ng nag aantay kaysa humiling

Ang pag ibig panatilihin maging masaya
Ano man problema dumating ayusin ang sakuna
Payag ka bang matutulog na mag kaaway?
Solusyunan pag usapan kaysa naman tumambay

Lahat ng bagay may resolba basta kung gusto
Hindi puro bukamgbibig mag hiwalay na tayo
Pilitin asikasuhin ang pag ibig na naipundar
Ayoko na mag simula ikaw na gusto makasama sa altar

Ako'y laging nanabik sa yakap mo at halik
Sa tuwing kasama ka di maiwasan masabik
Kahit minsan tahimik gusto na sayo pumilipit
Araw araw nais matamis sawa na sa pait



Credits
Writer(s): Mark Ali Bea
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link